Ang aking Bakasyon
Laiya, Batangas
kami kasama ang buo naming pamilya ay nagkaroon ng isang masaya at hindi malilimutang karanasan noong 2015, kung saan kami ay nagbakasyong sa Laiya, Batangas. Masaya kaming buong pamilya dahil kahit papaano ay nagkaroon kami ng family bonding sa kabila ng pagiging abala ng aming mga magulang sa trabaho at kami namang magkapatid ay sa pag-aaral.

Ito naman ang aming cottage kung saan ang aming mga gamit ay nakalagay. Andito rin ang mga baon naming pagkain. Malayang pumunta ang bawat kasapi ng aming pamilya dito kung nagugutom man para kumain o kaya ay magpapahinga lang.

Ito naman ang kuha kong litrato sa aming kinain ng umagang iyon, alam naman nating masaya kumain kung kasabay natin ang buong pamilya. Ngunit mas masaya at mas mananamnam mo ang lasa ng pagkain kung kakainin nyo ito sa tradisyonal na pagkain ng nakakamay,
Ito ang ilan pang kuhang litrato ng aming pamilya, batid naman sa itsura nila kung gaano kasaya tilay di alintana ang init sa balat ng araw.

kasama ko sa litratong ito ang aking tita pati na ang kaibigan namin.Sobrang saya ng araw na iyon para sa amin. Wala kang mababatid na lungkot sa mukha namin kundi saya at ngiti lamang.
Ngunit wala naman tayong kakayahan bilang indibidwal ng pahintuin ang oras at pigilang matapos ang araw na ito. Ito ay litratong kuha namin ng lisanin na namin ang Laiya, Batangas. Ang masasayang ala-alang nabuo sa lugar na iyon ay tatanawin kong isang kayamanan na kailangan ingatan. Hindi man araw araw nangyayare ay patuloy naman itong maaalala ng aking isip at puso.
Maraming salamat sa paglaan mo ng oras upang basahin ang aking naging
karanasan sa bakasyong ito

Wow! Sana makapunta rin ako dyan😍
TumugonBurahinWow
TumugonBurahinganda mo
TumugonBurahinnice naman
TumugonBurahinWow haha Laiya talaga!
TumugonBurahinGalingg
TumugonBurahinNAys wan :)
TumugonBurahin❤❤❤❤❤❤❤
TumugonBurahinPower!
TumugonBurahinmahusay 😀
TumugonBurahin